Ay Nahulog!

Masaya naman tayo andito ako nandyan kaYung araw na masigla pag sa umaga nakausap kitaKahit malayo ka umaabot sa puso ko yung matatamis mong salita Sabi mo, “Wag kang papagutom, wag magpapabaya.”Sabi ko “Oo, salamat kasi nandyan ka,Para kahit paano di ko lalo maramdamanYung parang ako na lang ulit, ako lang magisa.” Sabi ko pa “Hanggang kailan ka ba ganito?” Nagtanong ka kung bakit ganun ako sayo Sabi mo “Gusto mo ba ako?” Sumagot ako ng “Ewan ko, baka oo…” Dun mo sinabe na baka hindi pwede kasiYung puso mo pala iba na ang may ariAng sabi ko pa ok … Continue reading Ay Nahulog!

Kung Wala Ako

Hindi mo kakayaning mag isa. Yung wala ako sa tabi mo. Ang sabi ko, lahat naman kaya ko ibigay sayo. Minsan kahit sobra pa sa sapat.Bigla ka na lang hindi naging masaya. Nagdesisyon ka na bigla na lang mawala. Nakita ko pa nung palayo ka. Kasama ng masasaya nating alaala. Mag isa akong lumuha. Pabulong kong sinabi. “Babalik ka, alam kong hindi mo kaya.” Habang palayo ka, lumalabo ang mga ngiti. At ang takot na makita kang masaya na hindi ako ang kasama. Habang papalayo ka, nararamdaman ko ang sikip sa dibdib. Gusto kong maniwala na babalik ka dahil alam … Continue reading Kung Wala Ako

KAPAG WALA NA

Kakasimula pa lang ng panahon ng tag ulan. Pag hapon o gabi,madalas ay maulan. Pag medyo malas. Uuwi ako ng basa. Iba ang araw na to. Nakiki-ayon sa nararamdaman ko. Malamig. Manhid. Walang pakiramdam. Nag away kami kahapon ni Mark. Galit sya. Galit ako. Nag clash kami. Balik sa nakaraan, pero wala ding nangyari. Pitong taon. Mahabang panahon na kung tutuusin. Ilang bagyo na ba ang napag daanan namin? Napangiti ako sa naalala ko. Kung paano nya ako sinuyo. Kung paano nya ako napasagot ng oo. At kung paano ko sya nagawang maloko. Nagtext sya kaninang umaga. Sabi nya magusap … Continue reading KAPAG WALA NA

SINO

Sino sila?Kasalanan bang damhin ang damdaming di sinasadyang maramdaman?Wala na bang karapatang akuin ng puso ang responsibilidad nitong magmahal? Sino sya na sa gitna ng kahirapa’y pilit na binibigkas ang damdaming kinalimutan na nang nakararaming seryosohin?Sino sya na ang pagibig na nais ay sa kaparehang puso din sasandig?Sino sya na nagmahal ng mahabang panahon ngunit di nabigyan ng pagkakataong maipadama sa tamang taong nais nyang pag alayan nito?Sino sya na ang puso ay kayang hatiin upang ibahagi ang pag ibig sa maling paraan? Sino sya na ang tanging hangad ay mapaligaya ka sa kabila ng tarak sa dibdib ng sangasangang … Continue reading SINO

Patawad

Patawad sa mga bagay na di ko nasabi.Hindi ko inisip na ganito tayo sa huliPatawad sa mga bagay na di ko nagawa dahil takot ako na di ka matuwaPatawad sa mga araw na nagdaan na ako lang ang masaya habang ikaw naman ay nagiisip kung kailan ka liligayaPatawad kasi nabuhay ka sa sitwasyong hindi ikaw ang pumiliSitwasyong nagkulong sayo ng mahabang panahon na daig pa ang sawiPatawad sa mga bagay na hindi mo nakamitPatawad dahil nabuhay tayo sa pagpapanggap at puno ng paitPatawad dahil minahal kita ng sobra, kaya nawalan ka ng dahilan na lumipad mag isaPatawad dahil pinili mong … Continue reading Patawad

Alas 4:30

Muli akong pinaasa ng alas kwatro y media.Habang naghihintay sa mensahe mong napanis ng di napapadala.Pinilit ko pa na habulin ka pero humabol lang ako sa hangin dahil sa una pa lang ay wala ka na. Umasa ako na sa alas kwatro y media, patuloy na naniwala na darating ka.Sabi mo na sana pagdating mo, matyaga pa rin akong naghihintay para salubungin ka ng halik. Tapos sasabihin ko “mahal ko andito pa din ako.” Katangahang pinaniwalaan ko na sa pagsapit ng alas kwatro y media ay masisilayan ko ang kaparehong ngiti mo at sigla nung una tayong nagkakilala. Lumisan ka … Continue reading Alas 4:30