A Taste of Memoirs


Sweet. Like the stories of our photographs.
Bitter like the scars on our hearts.
These are some of the taste of holding backs.
The memories I tasted when our world starts to rock.
Past tasted like tears who authored your list of fears,
Shouldn’t we conquered it together?
But why we end up far from each other?
Who are to blame? For our love’s dying flame,
Who are to blame? For our memories full of pain.

Kapag Napagod Na

Ilang oras na lang. Pasikat na ang araw . natapos na ang buong gabi ng paglimot. Paglimot sa nakaraan at paglimot sa hinaharap. Yung hinaharap na binuo ng pangarap pero wala na palang pag asang maganap.

Naglalakad ako mula sa team night namin ng mga ka team ko mula sa trabaho. After shift nagkayayaang lumabas.
Masaya.
Maingay.
Nakakatawa.
Pero sayang paimbabaw lang. Yung sayang hanggang tawa lang. Kumbaga sa sakit, tapik lang. Yung sayang hindi nagiiwan ng marka.

Patuloy lang ako naglakad. May mangilan ngilang taxi ang nagdaraan pero mas pinili kong maglakad. Safe naman ang lugar. Pero mas yung pakiramdam ko na nagbabalik twing naglalakad.
Maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw ng poste at ilang establisimyentong gabi lang nagbubukas. Bahagyang umambon kanina kaya basa ang kalsada na naging dahilan kung bakit nagkulay ginto ang kalye dahil sa repleksyon ng mga ilaw sa naiwang bakas ng ulan.

Maaliwalas na ang langit. Kita na rin yung limang planetang biglang naboring sa langit at naisipang pumila. Buti pa sila, walang utak pero natutong pumila.

Itinuloy ko ang paglakad. Mabagal lang habang inaalala yung nakaraang kasama ko sya. Yung nakakaumay nyang presensya.

Nung natalo ako sa shift bid nung bago pa lang ako sa kumpanya, sya ang sumalo lahat ng sama ng loob ko mula sa mga ka team kong mandaraya.
3 years na pala.

Sya ang dahilan kung bakit na appreciate ko maglakad sa basang kalsada. Ang nagturo kung pano humakbang ng walang tumatalsik na putik sa likod ng mga binti.

Ang nagpamulat sa akin na hindi masamang tumulong sa pulubi. Yung nagsabing “hindi mo alam yung hirap na pinagdadaanan nila. Kung hindi mo sila tutulungan sa pamamagitan ng barya. At least wag mo silang tignan ng may panghuhusga”

Yung nagsabing okey lang na pumila ng matagal sa sakayan ng jeep habang nakapila. At least alam mong eventually, may darating para makasakay ka.

Yung nagbibilin sa aking kung magbabaon ka lagi kang magdala ng sobra. Kasi di mo alam kung sino yung mapapasaya mo sa pamamagitan ng pagkain na ise share mo.

Patuloy lang akong naglakad. Ang dami nyang alaala sa paligid. Ultimo hangin na wala gaanong halong usok dahil hindi pa oras ng byahe. Hangin na parang bumubulong ng mga katagang sinabi nya noon. “Enjoyin mo lang yung hangin. Guluhin man nya yung buhok mo, yan pa din yung nagbibigay ng buhay sayo.”

Sya ang dahilan kng bakit ako nandito. Sinubukan ko syang itext para sabihing handa na ako. Handa na akong tanggapin sya dahil mahal ko na din pala. Pero wala na akong sagot na nakuha mula sa kanya. 3 buwan na pala ang nakalipas nung nagsabi syang baka hindi talaga. Baka hanggang dun na lang.

May kirot sa puso ko na parang umabot sa buo kong katawan. Huminto ako sa paglakad. Medyo malayo na pala ang narating ko. Bigla ko naramdaman yung pagod mula sa mga paa ko hanggang sa binti at hita. Di ko naramdaman kanina dahil sa pagalaala ng mga nakaraan naming dalawa. Nakaraang di man lang

Napagod na akong lumakad kasama ng alaala ng walang sawa ng pagsama.

Napagod na akong lumakad kasama ng pagbalik tanaw sa nakaraang di na madudugtungan pa.

Napagod na akong mag isip kung bakit kung kailan pa handa na akong makasama sya nung panahon na napagod na sya?

Nangingilid na ang luha ko nung nagvibrate yung cellphone ko.

Isang text mula sa kanya.

“Ang tunay na pag ibig marunong maghintay, pero tao lang din naman ako. Hindi na kita kayang sabayan. Nakakapagod din palang maghintay. Masaya akong nakilala ka. Hanggang sa muling pagkikita”

11212018

Isuko Na Lang

Malamig na ang hangin. Ramdam ng mga pisngi kong basa ng luha.
Habang wala kong magawa kundi ihatid sya ng tingin.
Kung san sya papunta, di ko na alam.
Baka sa kaligayahan na di nya sa akin natagpuan…

“Baka pwede pa natin mapag usapan? Ang tagal na natin, bakit ngayon pa?”

“Wala nang pag uusapan. Pagod na ko”

“Anung dahilan?”

“Pagod na ako”

“Bigyan mo naman ako ng chance na lumaban”

“Wala ka ng dapat pang ipaglaban. Di na kita kayang ipagtanggol pa”

“Bakit? Gano ba ako kasama sa paningin nila para ipagtanggol mo ako? Akala ko ba yung mundo natin ay umiikot lang sa ikaw lang at ako?”

“Yan din ang akala ko…”

“Anong nangyayari? Nasan na ba tayo?”

“Ikaw ang nasaan? Bakit may ibang tao na nasa tabi ko kung lagi kang nandyan para sa akin?”

Impit ang galit sa boses nya.
Huminga ako ng malalim. Pigil ang emosyon habang nakatingin sa malayo.

“Dahil di naman ako yung kailangan mo? Dahil di naman ako yung gusto mong nandyan.”

Tumingin sya sa mga mata ko. Nagtatanong ang mga mata nya.

“Alam ko dahil nararamdaman ko. Hindi bingi ang puso ko para di marinig yung mga hinaing mo”

“Bakit wala kang ginawa?”

“Ayokong masayang yung limitado nating oras para magtalo”

“At eto ang kapalit?”

“Lahat ng ginagawa ko ay para sa ating dalawa at sa pamilyang pangarap natin”

“Di ko kailangan ng kaginhawaan para maging masaya”

“Kaya mo bang sabihin yan habang nakikita mo yung magiging anak natin ay nag uulam ng asin?”

“Panahon at oras yung kailangan ko”

“Panahon at oras na binibigay ko pero nasasayang dahil mas gusto mong makipagtalo kesa pagmasdan yung mga bagay na dapat sanang makakapgpasaya sayo”

“Ayoko na… Siguro nga dahil wala na yung dati kong nararamdaman sayo”

“Naniniwala akong nararamdaman mo pa din yun. Mas natabunan nga lang ng nararamdaman mo para sa kanya”

Hindi na sya kumibo. Parehas kaming nakakadena sa mga bagay na gusto naming paniwalaan at panindigan. Hindi sapat na maging susi ang bawat patak ng luha.
Pagod na ang mga mata ko pero patuloy lang sa pagagos ng luha.

Parehas kaming nakatitig lang sa palubog na araw sa likod ng mga gusaling dati naming nililibot ng walang dahilan.

Isa.
Dalawa.
Tatlumpung minuto ang lumipas. Gustuhin ko mang di matapos ang sandali pero lahat ng bagay ay may katapusan. May masaya at malungkot. Pero lahat natatapos.

“Pwede ko bang hawakan yung kamay mo bago ka umalis?”

Hindi ko na hinintay na pumayag sya. Hinawakan ko ang kamay nya. Hinalikan.
Kasabay ng muling pag agos ng luha, hinila na nya ang kamay

at tuluyang tumayo at lumakad palayo.

Malamig na ang hangin. Ramdam ng mga pisngi kong basa ng luha.
Habang wala kong magawa kundi ihatid sya ng tingin.
Kung san sya papunta, di ko na alam.
Baka sa kaligayahan na di nya sa akin natagpuan…

End
03.31.2014
11.30am

Naglalakad lang ako. Hindi ko alam kung nasa anong lugar na ba ako.
Madilim ang paligid. Bawat hakbang ko, rinig ko ang sarili kong mga yabag sa kalsadang basa ng tubig. Patuloy ang agos nito ngunit di ko alam kung saan nagmumula. Mula sa malayo, tanaw ko ang maliit na hangganan. May mga taong nag aabang sa akin. Nakikilala ko sila habang papalapit ako ng papalapit.
Limang dipa na lang ay maaabot ko na sila. Limang dipang layo mula sa nakaraan patawid sa kasalukuyang pilit nilang tinalikuran.

Huling hakbang.


Bago pa man ako nakapag isip, napansin ko na lang na wala nang daang nagdudugtong mula sa akin papunta sa kanila. Patuloy akong hinila pababa. Habang sila ay naka tunghay sa akin habang pabulusok ako sa kawalan.

Yan ang huli kong natatandaan sa panaginip ko kagabi.
Weird.
Hindi ko na pinilit na maalala yung buong kwento dahil nahati na ang atensyon ko sa panaginip ko at ang katotohanang ngayong araw ang itinakda naming magkakaibigan para magkita-kita.

100% charged na cellphone at power bank. Check
Wallet na may sapat na barya, pamasahe at pangkain. Check.
Bag na may ilang mahalagang memorabilya. Check
At higit sa lahat. Isang bungkos ng excitement, pagkabalisa at kwento na handa ko ilabas mamaya pag nagkita kita na kami.

Limang taon.
Limang taon ang lumipas mula ng grumadweyt kami ng college. Hindi man kami magkaklase sa ilang subject ngunit napanatili nun ang pagkakaibigan namn hanggang matapos ang kolehiyo.

Nagbago ang lahat nung nagkatrabaho na. Busy. Nawalan na ng time. May lumayo at may nangibang bansa.

Wala pa ako narereceive na text mula sa kanila pero all set naman na kaya go pa din. Araw ng linggo kaya naisip namn na sa school na lang kami magkita kita para magkwentuhan, magpicture at saka na kami gagala kung sakali para kumain.
Open naman yun dahil kadalasang ginagawang pahingahan ng mga taong dating nagbabantay sa lugar.

Pasakay na ako ng jip ng nakareceive ako ng text.
“Sorry, di ako makakapunta. May next time pa naman. Nagkaproblema lang ako sa family. Namimiss ko na kayo pero next time talaga. Promise.” Bumuntong hininga ako sabay reply.
“Ok lang beh. Andito lang naman kami lagi 🙂 balitaan ka namn mamaya.”

Nasa jip na ako. Nagbukas ako ng cellphone.
Messenger. Sa groups nmin.
“Hello guys. Natanggap nyo siguro yung text. Di daw sya makakapunta. Otw na ako. See you in a bit.”

Seen by.

Isa isa kong nakita yung mga nakabasa ng message.

“Beh habol ako. I just need to finish something. Hehe keep me posted :)”

“Ako din beh, alam mo naman hirap pa ko sa sched hehe nagdatingan mga pinsan ko ipasyal ko muna,namiss ata ako. O yung mga chocolate na pasalubong ko hehe.. next time po. Mwah”

Yung isa namn wala reply. Ni seen by sa mga online messages ko wala.

Nangingilid ang luha ko habang si na shutdown ko ang cellphone ko. Sabay bulsa.

Ngumiti ako ng mapait sabay para.

Sa tapat ng school namin kung saan namin binuno ang bungi bunging tulay patungo sa kaganapan ng mga pangarap.

Pumasok ako. Pamilyar pa din ang mukha ko sa bantay ng gate. Kamustahan saglit. Sabay paalam.

Nilabas ko ang kamerang dala ko.
Selfie #1 : dito kami mahilig tumambay kapag vacant period. Para pagusapan yung mga taong sumira ng araw namin. Bago umalis ay iniwan ko yung tuyong bulaklak na binigay sa nila sa akin nung birthday ko sa lugar na to.

Selfie #2: yung favorite spot namin kapag may dance rehearsal at school presentation. Dito ko din iniwan yung friendship bracelet na binili namn sa isa sa mga dance battle na nasalihan nmin

Selfie #3: yung stage na tumupad sa pangarap naming maging artista. Sa stage ko din iniwan yung keychain na bigay nila sa akin. Keychain na musical note. Nag rerepresent ng pangarap naming maging singer.

Selfie #4, 5, 6,7… at nasundan pa ng marami.

Habang naglalakad ako patungo sa gate ng school ay ibinubuhos ko yung excitement, pagkabalisa at kwentong baon ko.

Bago ako lumabas ng gate. Tumalikod muna ako. Isang huling sulyap sa nakaraan. Kasabay ng luhang kanina ko pa pinipigilang umagos.

Nabalikan ko ang lugar.
Lugar kung san kami sumaya, lumungkot. Nagalit at nainis.
Nabalikan ko yung lugar na humubog sa amin bilang magkakaibigan.
Pero hinding hindi ko na naibalik ang nakaraan.

fin
-5.4.2016/1:45pm

#Patawad

Patawad dahil ang sabi mo kalimutan kita pero di ko ginawa
Patawad sa patuloy na pagmamahal habang ikaw ay patuloy naman sa paglayo
Patawad dahil patuloy pang nanatili at patuloy pa sa pagkapit habang ikaw naman ay masaya na habang hindi ako ang kasama
Patawad sa paghubog ko sa yo at pagtulong na maging malakas ka
Lakas na sya ginamit mo para iwan ako
Patawad dahil sa mga panahong malungkot ka, sa balikat kong ito mo ibinuhos ang mapapait mong luha
Patawad din nung mga panahon na ako naman ang iiyak pero wala na akong balikat na masasandalan pa
Patawad dahil tinuruan kitang lumipad hanggang sa kaya mo na palang magisa
Patawad sa pag asang sa paglipad mo ay ako pa din ang gusto mo makasama
Patawad dahil nung kaya mo ng lumakad sa putik ng walang tumatalsik inisip ko na ikaw ay lilingon at sa akin at ngingiti
Ngingiti habang sinasabing di kita iiwan, hindi iiwan.
Patawad sa paniniwalang nandyan ka pa ngunit ang totoo ay masaya ka na
Masaya na ang puso mo na hindi na ako ang laman
Patawad dahil umasa ako na sa pagkapit ko ay di ka bibitaw
Patawad sa pag iisip na nandyan ka para hilahin ako pag mahuhulog na ako.
Patawad kung patuloy akong umasa na sasalo ka kung sakaling bumulusok ako pababa
Patawad sa pagngiti nung sinabi mo na ayaw mo na
Patawad sa pagtapik sa balikat mo at pag sabing ok lang ako
Patawad sa mga luha na di ko kayang mawala
Habang ang sabi mo ay kailangan ko ng limutin ka
Patawad dahil hanggang sa huli ay di ko pala kaya
Patawad kung sa huli pala ako ang may sala
May sala sa lahat dahil sa una palang ako na ang nagtulak sa iyong lumipad magisa
Maghihintay ako na sabihin ko sa sarili ko na pinapatawad na kita
Pwede ka ng humingi ng tawad sa kanya.
Parang sa palengke lang no?. Kapag mahal hihingi ka ng tawad.
Kaya patawad dahil hanggang ngayon.
.
.
.
Mahal pa din kita…

When I Said Hello to Goodbye

It hits me so hard when you said goodbye
I cant find my self, don’t know the reason why
Seems like it was yesterday that you just said hi
Only to realize today you said goodbye

Where’s the good in goodbye?
When i feel sadness and tears in my eyes
Where’s the good in goodbye?
When i know my heart suddenly dies.

I dont want to remember,
The day i said hello to goodbye
As tears rolling down my face
Another memory that I can’t erase.

I waved hello to goodbye,
You walk away with that bitter smile.
I hug the sadness the day you left
I am alone with my lonely self

I know you already moved on
You seems so happy that I’m already gone
Guess I need to find myself again.
Im lost in the dark. Walking in the rain.
-21stJune

#FAILURE

I have reached the point in my life na sobrang challenged ako sa buhay, yung parang lahat against me. Wala na akong ginawang tama and all. Feeling ko di ako magpi fit sa kahit saan at feeling ko unwanted ako. Di ko alam kung gusto ko pa bang bumangon o matulog na lang habang buhay. Pero ano nga ba ang natutunan ko? Simulan natin sa gitna.

SUPERBROKEN.
Di ko alam kng pwede sya ilinya sa mga superfriends or Justice League o Marvel Heroes pero yun ako. Yun yung current state ko.

Am I a failure?
What was revealed to me was, “No You are not a failure.” Para syang boses from nowhere na pinaniniwala ako na may bukas pa.

Sa buhay kasi may dalawang phase na ginawa ng taong pamantayan ng pagiging tao. One is SUCCESS and the other one is yeah, FAILURE. Pero kailan nga ba tayo nagiging failure?

For me there’s no such thing as FAILURE.
Para sa mga taong natututo sa mga pagkakamali. Para sa mga taong hindi lang puro hugot kundi may baon din mula sa pinagdaanang mga masasakit na bagay.

Una. Its okay not to be okay. Feel the pain. Yan yung magbibigay sayo ng space sa puso mo para mas maramdaman mo yung hapiness later on. Parang you are creating a hollow feeling inside you na when the time comes na ready ka na, there’s a hollow space na pwedeng punan ng mga bagong memories.

Pangalawa, dapat may outlet ka. Friends whom you can talk about everything. (Hello Marsians) Doesn’t necessarily mean na you talk about problems, kung gaano ka ka broken etc. Basta anything under the sun na komportable ka.
Pwede ka nila samahan magdrawing ng bakasyon tapos later nyo na pagisipan kung kailan kukulayan.
Or it could be the form of art or acting or playing instrument, being fit or like me, writing. I’m not a writer but who cares? Your pen will be you feelings and full with ink of emotions. Iba ang tinta pag nagsalita. Yung iba after isulat they also opted to say it with feelings pa den thru spoken word poetry. Find your passion and let your emotions flow.

Third, connect with nature. Take time to be alone. Take time to pray. In quiet times dito mo maririnig yung mga nagsusumigaw na damdamin. Then pwede mo pagnilayan kung para kanino ka ba talaga bumabangon. Find your inspiration. Wag mo na balikan yung dahilan kung bakit ka ba nasaktan. Sad truth, minsan may mga tanong talaga na walang sagot. Who knows?
Wag ka lang agad bibitaw sa pinaniniwalaan mong lumikha sa mundong ginagalawan mo. There’s someone out there na nakakarinig ng lahat ng hinaing mo.
Always take a deep breath. Mas makakapagisip ka ng maayos pag may magandang daloy ng oxygen sa katawan mo papunta sa utak mo. Do a good deed everyday. Iba ang saya na may mapangiti ka in your own unique way. A simple smile can create a waves of butterfly effect.
Not saying na ang pinagdaanan ko ay same ng pinagdadaanan mo. Maaaring rin naman na parehas tayo ng pinagdadaanan pero mavkaiba naman tayo ng pinagmulan. Or pwede ding vice versa.
Im still a work in progress.
Maaaring ang totoo ko ngayon ay kasinungalingan ng bukas. Kung yung Pluto nga umasang planeta sya ng buong buhay nya. Pero kahit nabuhay sya sa kasinungalingan tuloy pa rin ang pag inog nya. Hindi sya umayon sa mundong nagdidikta kung ano ba talaga sya. Don’t just settle kung san ka naiwan o kung ano ka nung naiwan ka mag isa. Minsan yung biyaya hindi lang sa mga natatanggap natin, kundi minsan sa mga bagay na nawawala para either mapalitan ng mas better o para mas ma appreciate mo yung mga bagay na meron ka na.

-fin-

12.28.2017

Love, Cinderella

I held your hand so tight. It was perfectly perfect. As your fingers filled the spaces between mine was undeniably perfect.
Three red roses smiling at me. Sitting on the table that looks so lovely as the moon lit over it.

Fairy godmother so dear gave me the best gift ever. It was the time that I can spend with you. As we walk, every attention was ours.

I heard them whispering and murmuring of their sweet nothings but I don’t care.

We don’t care.

Every eyes were looking towards us as we dance to the music away. We sang and dance as the night goes by.
We dont want to say goodbye.

You said that I’m safe with you. Your hands on my waist and mine was touching your face.

Its like living the dream. I cant believe that my King was standing in front of me. Teary eyed you said. I love you. I cant contain my feelings. I was overwhelmed.

“I don’t want this night to end.
I wanna dance until there’s no more music playing.. I wanna dance so long as you’re here with me.” I heard you whisper.

It was so sincere.
Yes it was.

You ask me to go with you.
I followed.
We walk through the labyrinth in front of your castle. Labyrinth of judgement and confusion.
We ran.
We hide.

Everyone was worried how this night would end and here we are smiling ang giggling and hugging and touching and kissing.
Then we ran.
Then we hide.

You said that you want me to be your queen. Queen who will be at your side until we live happily ever after if there is. I can feel the passion that is burning inside your heart keeping the fire that keeps us warm amidst of the coldness treatment of people around us.

I cannot feel yesterday’s pain as you are here with me. You touched my face and I close my eyes. Your lips touches mine. I felt love.
Memories was slowly drifting away. Slowly disappearing from my heart as your warmth melting my whole being.
Clock strikes midnight.
Silver bells alarming us that “its time”.
It feels like the movie when the scene goes back to reality. I held your hand so tight. I dont wanna let go.
But the clock shows that it’s 12 midnight and your phone began to ring. I dont want to let go but I need to. The phone rings. You answered it. I heard you said “Pauwi na ako ‘hal, na traffic lang. I bought something for you” as you pick up the three red roses. Smiling at me. Sitting on the table that looks so lovely as the moon lit over it.

I cant stand the pain. I moved one step away from you. Remembered that I received a text message a while back while we travelled time down to our happily ever after.

I read the message “Mommy ingat sa byahe. Love ka namin ni Daddy.”

In front of the cafe we part ways.
Tears on our faces and pain in our hearts.

.

.

.

Its twelve.

02222018

ANINO

Pabalikwas akong napatayo sa
kinahihigaan ko.
Nakiramdam ako sa paligid. Maliban sa ingay ng lumang electric fan at mga
naliligaw na kuliglig ay wala na akong iba
pang nauulinigan sa paligid.
Halos eksaktong alas tres na sa kalagitnaan
ng gabi.

Maalinsangan angpakiramdam ko, hindi
katulad ng mga nagdaang gabi.
Lumabas ako sa tapat ng bahay kasama ang isang tasang kape.
Nabulabog ko yata ang mga nagtsitsismisang lamok ngunit alam ko na napasaya ko sila dahil naihain ko ang sarili ko bilang agahan.
Tumingin ako sa langit. Halos walang
pagbabago sa mga nagdaang gabi. May mga mangilan ngilang kulupon ng mga ulap na sumasabay sa indayog ng hangin.
Tahimik na umaga.
Mapayapa sa kabuuan.
Malamig na ang kape, nagsisimula na ring magtrabaho ang mga tandang bilang alarm clock . patayo na ako ng makarinig ako ng mga hikbi.
Sa una ’y nakakilabot pakinggan
lalo pa at kanina lang ay inisip kong ako lang mag isa ang gising sa mga ganoong oras.
Pinakinggan kong mabuti kung saan nagmumula ang mga hikbi, ang kilabot na naramdaman ko ay napalitan pagkahabag.
Luha ng pagtangis.
Iyon ang naramdaman ko ng makita ko ang isang anino sa di kalayuan.
Patuloy akong nagmasid.
Pakiramdam ko ay isa na ako sa mga lamok
na kanina lang ay nagtsitsismisan sa tabi
ko.

‘Ilang panahon mo na ito ginagawa sa akin?’
Mula sa likurang bahagi ng unang anino ay may lumabas na pangalawang anino.
Patuloy sa pagtangis ang unang anino.

‘Sinira mo ang pagkatao ko.’ patuloy ng pangalawang anino.
‘Di lang ikaw ang nasaktan.’ sagot ng unang anino.

Nagpatuloy pa sila sa sagutan.

‘Sinubukan kong ibigay ang lahat ng kaya ko, halos wala na akong itinira sa sarili ko. Ito ba ang gusto mong mangyari ?’
‘Walang may gusto nito. Ito lang ang paraan ng pagkakataon para itama ang mali. ’

Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga palitan nila ng hinanaing.

‘’Akala ko ba masaya tayo na ganito?’
‘Hindi tayo pwedeng maging masaya kung may isa sa ating nasasaktan.’
‘Sino ba ang may problema? Ako ba ang may kasalanan dahil pumasok ako s buhay mo?’
Hindi sumagot ang unang anino. Siguro’y naging hudyat yun para iapgpatuloy ng pangalawang anino ang mga gusto nyang sabihin.
‘Naging totoo ako sa iyo simula pa noong una. Alam kong di madali ang sitwasyon natin pero tinanggap mo naman diba? Naging sinungaling ako sa lahat ng mga taong nakakakilala sa akin dahil sayo. Sinubukan kong gampanan ang lahat ng kaya kong gampanan para lang ipakita sayo na seryoso ako. ’

Gumalaw ang unang anino. Sa mga oras na ito ay hindi na sya umiiyak.

‘Ang problema siguro ay nasa akin. Dahil pinabayaan kitang pumasok sa buhay ko. Tinapatan ko ng pagmamahal ang lahat ng sakripisyo mo hanggang sa umabot sa pagkakataong nagsasakripisyo din ako. Alam kong hindi ko kayang ibalik ang nakaraan para ayusin mag isa ang mga maling nangyari. Kaya wag mo akong sumbatan sa mga bagay na naibigay mo at sa hindi.’

‘Anong gusto mong gawin ko? Ang hayaan kang tuluyang mawala ?’

‘Ikaw ang nag iisip na lumayo kaya wag mong ipasa sa akin ang mga desisyong ikaw din mismo ang pumili. ’

‘Tinalikuran ko ang lahat para sayo.’

‘Tinalikuran ako ng lahat dahil sayo’

‘Naging makasarili ba ako?’

‘Hindi. Patuloy mo lng inisip na sa atin lang umiinog ang mundo, hindi mo namamalayan na kailangan din nating makibagay sa mga taong nasa paligid natin dahil sa ayaw natin o sa gusto. Nasaiisang mundo tayo. ’

‘Yun na nga eh, bakit kailangan nating mamuhay na iisipinnatin ang sasabihin ng iba? Tayo naman yung involve diba?’

‘Dahil tayo rin yung iba sa kanila na may sinasabi kahit sila yung involve. At kung ayaw natin yun, kailangan nating gumawa ng sarili nating mundo.’

‘Kaya ka ba mawawala dahil sa iba na sinasabi mo?’

‘Hindi ba ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko ?’

‘Ibalik natin sa dati ang lahat.’

‘Kung maari lang ibalik ang dati, hindi dapat natin to pinag uusapan ngayon. ’

‘Kailan pa ba tayo ganito?’

‘Mula ng inisip mo ang mga bagay na naisip mo na, nung mga panahon na akala mo ay naghahanap ako ng bagay na wala sayo at makikita ko sa iba.’

‘Sinubukan ko namang itama diba?’

‘Walang nagiging tama sa pagbaling ng sisi sa iba. Kung handa kang magmahal ng totoo katulad ng sinasabi mo, handa kang masaktan at magpatawad at makalimot, kasabay rin ng pagiging handa na masaktan ulit. ’

‘Mabuti pa pala noong…’

‘Oo! mabuti pa ang kahapon na patuloy mong binubuhay sa mga panahong tayo ang magkasama. Gaya rin ng kahapon ko na di kita kilala pero wala akong magawa
kundi tanggapin dahil mas mahalaga yung
ngayon at bukas. Yun yung mga bagay na di mo naiisip. Patuloy mong sinusubukang ikumpara ang kahapon sa ngayon na kahit anong mangyari ay wala ng pagbabagong magagawa dahil lahat yun nangyari na. Bakitdi mo naisip yung bukas?

‘Kaya gusto kong maniguro kung may babalikan pa ko. ’

‘Ang tunay na buhay hindi katulad ng isang parte sa kainan na pwede mong i-reserve para lang masiguro na pagdating mo may mauupuan ka. ’

‘Maraming pwedeng mangyari habang wala ako. ’

‘Gaya ng tuluyan mong pagkawala?’

‘Pwedeng mangyari yun.’

‘Kung gugustuhin mo pwedeng magkatotoo. Itigil na natin to …’

‘Yan ba talaga ang gusto mo?’

‘Ito ang tama at dapat natin gawin’

‘Ikaw ang nagpagulo ng lahat. Sana hindi na
lang kita nakilala para hindi ako nasasaktan ng ganito ’

‘Nasasaktan din ako sa mga nangyari pero tinatanggalan mo ako ng karapatang masaktan. ’

‘Aalis na ako’

Hindi ko na nakitang sumagot ang unang anino. Tumingin ako sa kawalan at napansin kong papasilip na ang araw.
Muli kong sinulyapan ang mga aninong kanina lang ay nababalot ng pait at kalungkutan.
Napansin kong mag isa na lang ang nilalang na kanina’y tumatangis sa dilim.
Habang nagliliwanag ang langit ay patuloy naman sa paglayo ang aninong kanina lang ay kausap niya.
Walang iba kundi ang sarili niyang anino …

Pabalikwas akong napatayo sa kinahihigaan ko. Habol ang paghinga kasabay ng pagpunas ng butil butil na pawis sa noo at leeg.
Nakiramdam ako sa paligid.
Maliban sa ingay ng lumang electric fan at mga naliligaw na kuliglig ay wala na akong iba pang nauulinigan sa paligid.
Halos eksaktong alas tres na sa kalagitnaan ng gabi.
—FIN—
Setyembre 19, 2010 sa ganap na 2:33 AM ·
“Courage doesn’t always roar. Sometimes courage is the quiet voice at the end of the day saying, I will try again tomorrow.” -Mary Anne Radmacher

Mga Natutunan sa Taong Nagdaan

Natutunan ko na ang kaligayahan o pagiging maligaya ay nasa tao kung gusto nyang maging maligaya o hindi. Kada minuto na nagagalit tayo, animnapung segundo nating tinatanggalan ng karapatan ang sarili nating maging masaya. Kung di masaya ang ibang tao na makita kang masaya. Hinahayaan ko na lang sila. Di naman ako nabubuhay para i please sila.

Mahirap magpakita ng totoong ikaw sa mga taong nasa paligid mo, natutunan ko na umakto ayon sa kagustuhan ng katawan ko at di ng dinidikta ng nasa paligid ko. Mayron pa din naman silang masasabi at the end of the day kaya go ahead. Chill.

 Minsan may mga ma ooffend ka dahil lang sa dahilang di sila sana’y sa mga banat mo, lalo na yung mga baguhan sa buhay mo, Say sorry. hindi dahil mali ka kundi dahil di mo siya nawarningan na hindi ka normal katulad nila.

 May mga taong mahirap espelengin, pero wag agad maghusga dahil minsan yung mga taong ayaw mo sa una ay sya palang makakasama mo ng matagal. Di naman dahil pinagtityagaan mo sila, kundi tulad mo, di rin pala sila normal.

 Sa buhay, bawat taong makakasalamuha mo ay may sasabihin tungkol sa yo, sabi nga ni Atseng Tyra Banks, “Everybody is talking about everybody!” yan ang batas ng tsismis.

 Di lahat ng pulubi sa kalsada ay naghihikahos, minsan makaka encounter ka ng pulubi, after mo bigyan ng Jollibee take out na sana ay pasalubong mo, tatalikod sa yo, iaayos yung food n bigay mo, kukuha ng high end smartphone, sabay picture, magugulat ka na lang magtatanong sya ‘ anong instagram mo kuya? tag kita!”

 Kailangan din nating tanggapin na may mga taong dadaan lang talaga sa buhay mo, yung tipong pag sanay ka na na andyan yung presensya nila, bigla silang mawawala. Pero dapat mong isipin, wala namang mga bagay na nangyayari ng wala lang. manghinayang ka kung nakaipon ka nga ng maraming picture na kasama sya, wala ka namang natutunan maski na isa.

 Minsan kailangan mong masaktan. Una para di mo na ulitin.Pangalawa, para sa susunod na maranasan mo ito, mas matatag ka nang harapin yung sakit.

 Di lahat ng nakikita dapat ginagaya. Di porket bagay sa kanya ay bagay na din sa yo, may mga pagkakataon kasi na mahal ka lang ng mga tao sa paligid mo to the point na yung gusto mo lang marinig yung sasabihin nila sa iyo.

 Minsan kailangan mo i express yung mga gusto mo, whether sa pananamit, gawain, hilig o yung passion na tinatawag. E ano naman kung pagtawanan ka ng iba? isa lang ang buhay, balang araw, kailangan mong panoorin ang flashback ng buhay mo, kaya dapat mong siguraduhin na ikaw mismo, di maboboring sa pelikulang mismong ikaw ang bida.

 Minsan maiisip mo na yung mga nababasa mo ay contradicting sa isat isa gaya ng dalawang huling paragraph na nabasa mo, kaso dahil mababasa mo ang “WALANG BASAGAN NG TRIP!”  ngingiti ka na lang at magsasawalang bahala. Tutuloy sa pagbasa.

 Pag may kaibigan nais humingi ng tulong sa yo, anumang aspeto ng pagiging tao, maiisip mong maswerte ka kaysa sa kanya kahit minsan sa buhay mo naisip mo na napakaswerte nya sa katayuan nya.

 Di pa rin nawawala kahit na nagkaedad ka na, pag may maririnig kang kanta sa jeep na sobrang nakakarelate ka, magpiplay pa din sa isip mo yung music video na ikaw yung bida.

 Mas nakapagbibigay ng saya sa sarili yung kaya mong tanggapin na mali ka, kung talagang mali ka. Mas nakapagbibigay ng tapang yung iadmit mo na natatakot ka. At tumanggap ng tulong hindi dahil kaawa awa ka kundi dahil kailangan mo talaga. Higit sa lahat, yung masabi mo sa sarili mong I stand corrected dahil sa pagtanggap na minsan, talaga lang na may mga taong mas may alam kaysa sa iyo.

 Minsan dahil na overwhelm ka na marami kang napapasaya, darating sa punto na yung mga hirit mo terminal na, minsan aabot pa sa puntong ngingiti sya sayo at mararamdaman mong huling ngiti na nya yun na magkaibigan kayo.

 May relasyong natatapos. Pero di ibig sabihin nun ay failed na ang relasyon. Minsan dapat isipin na di mo hawak ang pag inog ng mundo, kaya may kasabihang di ko alam kung ako ang nag imbento, “Move on, let go!”

 Natutunan ko na minsan kahit gano ka ka intense magmahal, di mo makukuha yung kapalit na inaasahan mo, sabi nga sa text (awkward nung word na txt…) parang pamasahe lang sa jeep. minsan di nasusuklian.

 Natutunan ko na kahit anong gawin ko na maki uso, naguguluhan pa rin ako sa mga salitang LMAO, LMFAO, IMBA,LOL, ROFL, at iba pa. o dahil wala lng ako panahon na igoogle sila isa isa. LOLZ!

 Natutunan ko na kahit na halos lahat ng bagay ay dapat ng bayaran, may mga paraan pa pala para makalibre. Gaya ng pagkakaroon ng kaibigang manager sa fastfood, Book attendant sa bookstore, at mga netizen na walang tigil sa pagtuklas ng paraan para sa unlimited web browsing.

 Natutunan ko din na napakanipis ng pagitan pag nagsabi ako ng totoo at pagbibiro, totoo man o biro, kadalasan iisipin na lang nila na nagpapatawa ako.

 Natutunan ko na dapat pala, di tayo nagiisip na makipagkumpetensya sa iba o sabihing dapat matalo natin ang iba. Maaring kaya sila nasa katayuan nila dahil sa sipag at tiyaga nila. Mas ok pala na sabihing Ok na ako dati, pag may chance pa, mas magiging ok pa. Never stop aiming for the best, dahil di pa ikaw yung inaakala mong ikaw pagdating sa kakayan mo.

 Natutunan ko na kahit normal ko na ang pagngiti, may lalapit pa rin at magsasabing, “bat mo ko nginingitian, iniinsulto mo ba ko?”

 Natutunan ko din na minsan mapapabili ka ng mga bagay na di mo naman talaga kailangan, kundi dahil lang kaibigan mo yung nagtitinda. Minsan makakapagsinungaling ka pa na ok yung tinda nya pero mapapansin na lang nya na di ka na umoorder sa kanya.

 Hindi totoong kapag tumulong ka ay wala kang hinihintay na kapalit. Natutunan ko na bawat bagay na binibigay ko, may kapantay na self fulfillment o minsan self satisfaction. Di man napalitan ng materyal n bagay, napalitan naman ng kasiyahan dahil kahit pano ay nakatulong ka.

 Natutunan ko na ang kabiguan ay  hindi kabaligtaran ng pagiging matagumpay, ang pagkabigo ay bahagi ng tagumpay dahil kung di ka nakaramdam ng pagkabigo, di mo mararamdamang nagtagumpay ka.

 Takot ang number 1 enemy mo bilang tao. Normal na matakot tayo sa multo, aswang kapre, laman lupa o kahit sa salamin sa tuwing titingin ka rito, pero hindi normal e yung nasa harap mo na yung oportunidad, mas gugustuhin mo pang tumalikod at mag emo. Manipis lang din ang pagitan ng takot at tagumpay, sabi nga sa min nung training, kung ang natitira mong choice ay tumalon sa bangin ng oportunidad. Tumalon ka ng una ang ulo para makita mo yung mapapala mo.

 Wag na wag sasabihin na wala kang choice. the fact na pinili mong mawalan ng choice, Kailangan ko pa bang ipaliwanag??

 Natutunan ko din na darating sa panahon na nagdedesiyon ka hindi para sa sarili mo, kundi para sa mga taong mahal mo, ang tawag ng iba sakripisyo, pero para sa kin, ayokong tawaging ganun, normal lang, una dahil yung salitang sakripisyo ay masyadong mabigat, parang mahirap gawin, ayaw mo pero kailangan, mga ganun. Pangalawa ginagawa ko kasi yun na yung dapat. Maaring masagasaan nun yung gimik, barkada, gala atbp. Pero para sa kin, mas masaya naman na kasama ang pamilya diba? Dun mas may silbi ang desisyong puso ang ginamit at hindi ang utak.

 Minsan may mga tao talaga na kahit sila na may kasalanan, ikaw pa rin ang susuko at magsosori. Natutunan ko na minsan din kailangan mo yun gawin hindi dahil mali ka agad agad. Kundi sa simpleng dahilan na mahal mo lang sila.

Marami pa akong natutunan sa taong nagdaan. Yung iba dyan nabasa ko lang dati, narinig, na obserbahan bago ko tuluyang natutunan.

Muli lahat ng nasa taas ay base sa mga natutunan ko, minsan may pagkakahawig ang takbo ng buhay ng tao pero wag mo akong pasinungalingan na mali ang ilan sa nabasa mo dyan dahil nga yang mga nandyan ay yung mga natutunan ko lang naman.

Di pa dyan kasama yung saiyo…

02.28.2013

Blog at WordPress.com.

Up ↑