#GotMomofied

Slice your throat because if not, I will go there and Ill kill you and your parents.” – Momo
As a father of three I was terrified about the news that spreads like wildfire all over the place. Di lang sa social media kundi ganun din sa mga sinusundan kong news channels.

Marami ang nagsasabi na isang malaking HOAX ang #MomoChallenge na ito pero sino nga ba si Momo.

Base sa mga pagbabasa ko si Momo ay ginawa ng isang Japanese artist. Isang character base sa isang urban legend.

Pagkatapos ng lahat ano nga ba ang dapat nating ipagpasalamat kay Momo?

1. Aminin mo, dahil kay Momo, mas chini-check mo ngayon ang online activities ng o ng mga anak mo. Ngayon mo nabisita yung gear icon na parang di no naman na no-notice dati.

2. Yung dating oras mo para manood ng kdrama ay nabawasan na dahil mas may time ka ngayon na manood ng mga walang ka kwenta kwentang toy reviews sa Youtube kasama ng mga bagets. At aminin mo, nagenjoy ka.

3. Di mo na ginagawang yaya ang gadgets para lang mailigaw ang atensyon ni baby. Nice! #FamilyIsLife. Instagram worthy photo uploaded. Yes!

4. Sa iba dahil kay Momo, nabawasan na ang virtual time ni bagets. Mas ini encourage na natin sila makioag bond with their siblings o manood ng tv kasama nating mga magulang. Good job Momo! May silbi na yung Rated SPG sa tv kasi mas makikita mo at maeexplain sa bata ang mga eksenang di nya naunawaan, o mga eksenang dapat di muna nya malaman.

5. Si Momo at ang iba pang fake (gaya ng ilan mong kaibigan) ay ilan lamang sa patunay hindi lahat ng peke ay may masamang dulot. Madalas sa kanila mo makukuha yung mga aral na sa susunod magagamit mo para sa mas magandang daloy ng ginhawa.

6. Si Momo din ang nagpaunawa sayo na hindi lahat ng sinasabe ng mga anak natin sa wikang ingles ay cute at nakakaaliw. *Overheard* (“Mars ang kyut ng baby ni bff, spowkening dollars. Sabagy kailangan nya turuan ng inglish yun kasi ingleshero yung kabit nya ahahahhahaa) Kung nagsisimula ng bumanggit ng “I’ll kill you!“Shut up Nigga” at “What’s up maderpak*r” yung anak mo ay di na kyut yan.

7. Isa rin si Momo sa dahilan para magkaron kayo ng oras na magkakaibigan. Sa sobrang busy nyo sa buhay may ilang kumare na kayo na di na nakakausap at dahil kay Momo ay meron na kayong nagong mapagtsitsismisan. “Uy Mars nabalitaan mo ba si Momo? kakapangilabot, napanood ko nga yun sa s9 ng baby ko na 9 months old na padala ng papa nyang seaman nako sabe ko talaga No baby dont watch. its bad. Momo is bad and you will be bad ip you watch it ok???”

8. Momo also remind us to be mindful not just with our kids, kundi sa mga kapwa natin magulang. It reminds us not to be selfish na kahit sabihin pang fakenews lang, sasabihin pa rin natin. Ipinakita ni Momo. na kahit gaano tayo ka busy, kasama sa mga kaaway natin sa Facebook, ay di lang puro. parinig ang kaya natin ipost. Concern. Hindi pagiging selfish at compassionate. Ilan lang sa mga traits na binuhay ni Momo sa pagkatao mo.

9. Nilagay ko lang para di awkward.

10. Yung gagawin kong top 10. Bitin kasi kung 8 lang.

Higit sa lahat, pinaalala ni Momo na hindi natin kaya kung tayo lang. There’s someone out there na minsan nating nakalimutan tawagin pag may mga sugo ng kadiliman sa paligid. Pinaalala nya sayo na kailangan mo din sya tawagin kung di mo na kontrol ang lahat.

“Diyos ko nakakatakot talaga si Momo. Sana di ma absorb ng mga bata kung napanood man nila” Sabi ng nakasabay ko sa jeep habang pauwi.

Paderoptri, 03042019

Kung Wala Ako

Hindi mo kakayaning mag isa. Yung wala ako sa tabi mo.

Ang sabi ko, lahat naman kaya ko ibigay sayo. Minsan kahit sobra pa sa sapat.
Bigla ka na lang hindi naging masaya. Nagdesisyon ka na bigla na lang mawala. Nakita ko pa nung palayo ka. Kasama ng masasaya nating alaala.

Mag isa akong lumuha. Pabulong kong sinabi. “Babalik ka, alam kong hindi mo kaya.”

Habang palayo ka, lumalabo ang mga ngiti. At ang takot na makita kang masaya na hindi ako ang kasama.

Habang papalayo ka, nararamdaman ko ang sikip sa dibdib. Gusto kong maniwala na babalik ka dahil alam kong hindi mo kaya.

Patuloy akong naniwala na ako lang ang makakapagpasaya sayo. Gusto kitang bitawan dahil alam kong ayaw mo na. Ngunit ayaw ng puso kong maniwala na malayo ka na.

Babalik ka dahil di mo kaya.
Babalik ka dahil di mo kayang mag isa.

Sabi ko, hindi ako maiinggit kung makita kang nakangiti, habang hindi ako ang nasa tabi mo.

Pero ang sakit sa puso na hindi na pala ako ang makakapagpasaya sayo. Yung magpapangiti sa iyo at magbibigay ng kulay sa mundong tayo ang bumuo.

Hindi pala madali dahil yung akala kong hindi mo kaya ay syang magbibigay sayo ng kalayaan na mas maging maligaya.

Saan ako lulugar kung alam kong mas may higit na makakapagpasaya sa iyo. Higit pa sa limitadong kaligayahan kaya kong ibigay.

Umaasa akong babalik ka at sasabihin mong wala kang napala. Umaasa akong babalik ka at sasabihin sa aking “Tama ka, hindi masaya pag wala ka.”

Alam ng isip ko na masaya ka ngayon sa piling Nya. Ngunit ayaw tanggapin ng puso ko na wala ka na.

Ngunit kailangan kong paniwalain ang sarili ko na wala ka na.
Mas masaya ka na kesa sa mundong nagpamulat sa iyo ng pag ibig at pasakit.

Kailangan ko tanggapin na di mo naman talaga ako nilisan.
Umuwi ka lang sa tunay mong tahanan.

end-
09.04.2015

KAPAG WALA NA

Kakasimula pa lang ng panahon ng tag ulan. Pag hapon o gabi,madalas ay maulan. Pag medyo malas. Uuwi ako ng basa.
Iba ang araw na to. Nakiki-ayon sa nararamdaman ko.
Malamig.
Manhid.
Walang pakiramdam.
Nag away kami kahapon ni Mark. Galit sya. Galit ako. Nag clash kami. Balik sa nakaraan, pero wala ding nangyari.
Pitong taon. Mahabang panahon na kung tutuusin. Ilang bagyo na ba ang napag daanan namin? Napangiti ako sa naalala ko. Kung paano nya ako sinuyo. Kung paano nya ako napasagot ng oo. At kung paano ko sya nagawang maloko.
Nagtext sya kaninang umaga. Sabi nya magusap daw kami sa unang lugar kung san kami nagkakilala.
Halos wala namang nagbago sa UP. Halos ala-7 na ng gabi. Nagsisimula pa lang dumami ang mga tao. Jogging.
Biking.
Push-up.
Nagkalat sila sa paligid. Nagmistulang isang malaking gym ang UP grounds. Umay na umay na siguro yung “oblation” sa mga pamintang nag wawarm up sa paligid nya. Pero mas umay sya siguro dun sa mga naglalampungan sa mismong harap nya.
Tumingala ako sa langit. Sabi sa news blue moon daw. Twice daw kasi ang full moon sa buwang ito. At ngayon yung ikalawa. Inimagine ko talaga na magiging blue sya. Pero alam ko namang aasa lang ako.
Sinilip ko yung cellphone ko. No new message.
Inaliw ko na lang muna ang sarili ko sa mga nagaganap sa paligid ko.
Muli akong tumingala. Napakaganda. Medyo malaki sya sa normal. Full moon.
Full moon din nung una kami nagpunta sa lugar na to.
May kirot akong naramdaman sa sulok ng puso ko. Pagmamahal? Siguro. Panghihinayang? Oo.
Halos walong taon kaming nagsama. Pero di ko na matandaan kung kailan ba kami huling naging masaya.
May mga tao lang talagang tinadhana na magkita pero di itinakdang magkatuluyan. Gaya din nung ibang itinakda lang maging magulang pero di naman talaga itinakdang magsama hanggang sa huli.
“Kamusta ka na?”
Medyo nagulat lang ako dahil di ko man lang sya naramdamang dumating. Napansin ko din na dumalang na ang mga tao sa paligid.
Tinuro nya ang upuan sa tabi ko, parang nagtatanong ang mga mata nya kung pwede syang maupo sa tabi ko. Tumango lang ako bilang pag sang ayon.
Umupo sya paharap sa kalsada habang ako naman ay nakaharap sa kabilang direksyon. Nakaharap ako sa sunken garden. Ang lugar kung san namin sabay na pinagmasdan kung paano kumurap ang mga bituin.
“Buti pa yung mga bituin ano? Lumipas na ang panahon sa mundo, nandyan pa rin sila. Handang mag bigay ng liwanag twing gabi.” Sabay hinga ng malalim.
“Ikaw kamusta na?” Tanong ko. Di pa man siya sumasagot, nagtanong muli ako.
“Anong nangyari sa atin?”
“Siguro umasa tayo. Umasa tayong okay ang lahat.” Di kami tumitingin sa isat isa.
Alam kong pareho kaming may pagkukulang.
Oras. Panahon. Komunikasyon. Pero sobra sobra sa tiwala. Nag uumapaw pa nga.
“Gusto kong malaman kung anong nararamdaman mo.” Narinig kong tanong nya.
Di ako sumagot. Hindi ko kaya. Alam kong gagawa ang utak ko ng paraan na i-justify ang nangyari.
“Mahal kita. Mahal na mahal kaya binigay ko ang tiwala ko sayo.”
“Naging tapat lang siguro ako sa nararamdaman ko.” May kurot sa dibdib ko habang sinasabi yon. Guilty kasi ako. Alam kong ako ang mas may mali sa aming dalawa.
“Sa sobrang tapat mo, nasabi mo sa akin na wala ka ng nararamdaman. Na hindi mo na ako makapa sa puso mo at hindi mo na nakikitang kasama mo ako hanggang sa dulo. Anong mali?”
Di pa din ako sumasagot. Sumisigaw ang isip ko na wala na. Wala ka na sa buhay ko. Na wala na akong nararamdaman dahil…
“Dahil may iba ng umuokupa sa pagkatao mo. Ng oras mo. Ng… Ng puso mo” mahinahon pero may diin ang bawat salita nya. Para nyang nabasa ang kanina lang ay naglalaro sa isip ko.
“Hindi ako galit. Naiinis ako dahil unti unti akong nawala sa buhay mo ng di ko napapansin.”
“Bigla ko na lang naramdaman. Hindi ko nakikitang kasalanan yun dahil di ko naman intensyon. Wala akong balak na lokohin ka.” Sabi ko. Habang nakayuko at pilit kinikilala ang bawat mukha ng mga langgam na nakapila sa paanan ko. Halos anino lang ang itsura nila dahil sa tama ng liwanag ng buwan at ng ilaw ng mangilan ngilang sasakyang dumadaan.
“Hindi naman mapupunan ang isang espasyo ng ibang bagay kung sa una pa lang ay may laman na ito. Kailangan mo munang ibakante ang lugar bago mo ito ma occupy ng tuluyan.”
Sapul na sapul ako sa mga salitang sinasabi nya.
Naiiyak na ako hindi dahil sa bigla kong naramdaman na mahal ko sya. Kundi naiiyak ako dahil alam ko sa sarili ko na may punto ang sinasabi nya.
“Masaya ka ba sa kanya?” Unang sumagot ang ilang insektong nagsisimula ng magparty sa paligid namin. Naramdaman kong humawak sya sa balikat ko.
“Masaya ka ba sa kanya?” Muli nyang tanong sa akin. This time, tumingin na ako sa kanya. Nakita ko kung paano sunod sunod na pumatak ang mga luha sa pisngi nya.
Di ko na napigilan ang sarili ko. Pinabayaan ko na ring rumagasa ang luha sa mga mata ko. Tumango ako. Paulit ulit.
“Sorry… Sorryyyy… Humagulgol na ako habang nakatakip sa mukha ko ang isang kamay ko.
Lumipas ang mga minuto. Hindi ko alam kung ilan. Pinabayaan nya akong ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng luha. Mga salitang di ko masabi. Maya maya pa ay naramdaman kong humawak sya sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Luhaan. Nakita ko na umiiyak pa din sya.
” Sorry?” Muli kong sinabi.
Umiling sya. Di ko naiintindihan. Nabasa nya ang iniisip ko. Muli syang tumingin sa kalsada na para itong tumitingin sa kawalan.
“Wag kang magsorry. Saka ka na magsorry kapag natuklasan mong mali ang naging desisyon mo. Kung dumating man ang panahon na malaman mong mali ka, gawin mo itong tama sa pamamagitan ng pagiging masaya at kuntento. Masaya na ako na malamang masaya ka. Hindi kita ipaglalaban dahil sa una pa lang ay ikaw na ang unang sumuko sa ating dalawa. Hindi ko kayang pigilan ang kaligayahan mo dahil ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. Huwag mo na din intindihin ang ibang tao na magsasabing mali ka o ang nagawa mo. Hindi naman sila ang magdidikta ng buhay mo gaya ng presensya ko na di kayang magdikta na maging masaya ka sa akin nung tayo pa.”
Alam kong marami pa syang gustong sabihin ngunit sinabi na lang nya ito sa pamamagitan ng sunod sunod na paghikbi at pagtulo ng luha.
Maliwanag ang gabi dahil sa buwan. Tumingala ako sa langit. Andun pa din yung mga bituin. Masayang nagkikislapan.
Naramdaman kong tumayo na sya.
Nakatalikod sya sa akin. Lumayo ng ilang hakbang.
“Alam kong napagod lang ang puso mo na mahalin ako. This time wag mo na syang masyadong gamitin. Unti unti lang, para di sya madaling mapagod at eventually magsawa. Hindi ko masasabing nandito lang ako para sayo pero pwede mo pa din namang balikan yung iilang masasayang alaala na magkasama tayo. Di ka man mapasaya sa panahon na malungkot ka, pero umaasa ako na sana mapangiti ka man lang kahit papano.”
Ni hindi ko na naramdamang nawala na sya sa tabi ko. Kinumpirma ng iilang sasakyang pumaparoo’t parito sa loob ng UP.
Pagkawala na sinang ayunan ng Sunken Garden na dati naming tagpuan para makipagkulitan sa mga bituin.
Tumayo na din ako. Humanda ng umalis. Huminga ng malalim at nanalangin na sa mga susunod na araw ay mapunan ng bagong pag ibig ang kakulangan na naramdaman ko.
Huling tingin sa mga upuang naging saksi sa katapusan ng isang yugto ng buhay ko. At isang kaway mula sa “Blue Moon” na parang nagsasabing “Keri lang yan girl. Ginusto mo naman yan eh!”
-fin-
08222015

Just Pagsuko

Malamig na ang hangin. Ramdam ng mga pisngi kong basa ng luha.
Habang wala kong magawa kundi ihatid sya ng tingin.
Kung san sya papunta, di ko na alam.
Baka sa kaligayahan na di nya sa akin natagpuan…

“Baka pwede pa natin mapag usapan? Ang tagal na natin, bakit ngayon
pa?”
“Wala nang pag uusapan. Pagod na ko”
“Anung dahilan?”
“Pagod na ako”
“Bigyan mo naman ako ng chance na lumaban”
“Wala ka ng dapat pang ipaglaban. Di na kita kayang ipagtanggol pa”
“Bakit? Gano ba ako kasama sa paningin nila para ipagtanggol mo
ako? Akala ko ba yung mundo natin ay umiikot lang sa ikaw lang at
ako?”
“Yan din ang akala ko…”
“Anong nangyayari? Nasan na ba tayo?”
“Ikaw ang nasaan? Bakit may ibang tao na nasa tabi ko kung lagi kang
nandyan para sa akin?”
Impit ang galit sa boses nya.
Huminga ako ng malalim. Pigil ang emosyon habang nakatingin sa
malayo.
“Dahil di naman ako yung kailangan mo? Dahil di naman ako yung
gusto mong nandyan.”
Tumingin sya sa mga mata ko. Nagtatanong ang mga mata nya.
“Alam ko dahil nararamdaman ko. Hindi bingi ang puso ko para di
marinig yung mga hinaing mo”
“Bakit wala kang ginawa?”
“Ayokong masayang yung limitado nating oras para magtalo”
“At eto ang kapalit?”
“Lahat ng ginagawa ko ay para sa ating dalawa at sa pamilyang
pangarap natin”
“Di ko kailangan ng kaginhawaan para maging masaya”
“Kaya mo bang sabihin yan habang nakikita mo yung magiging anak
natin ay nag uulam ng asin?”
“Panahon at oras yung kailangan ko”
“Panahon at oras na binibigay ko pero nasasayang dahil mas gusto
mong makipagtalo kesa pagmasdan yung mga bagay na dapat sanang
makakapgpasaya sayo”
“Ayoko na… Siguro nga dahil wala na yung dati kong nararamdaman
sayo”
“Naniniwala akong nararamdaman mo pa din yun. Mas natabunan nga
lang ng nararamdaman mo para sa kanya”

Hindi na sya kumibo. Parehas kaming nakakadena sa mga bagay na
gusto naming paniwalaan at panindigan. Hindi sapat na maging susi
ang bawat patak ng luha.
Pagod na ang mga mata ko pero patuloy lang sa pagagos ng luha.
Parehas kaming nakatitig lang sa palubog na araw sa likod ng mga
gusaling dati naming nililibot ng walang dahilan.

Isa.
Dalawa.
Tatlumpung minuto ang lumipas. Gustuhin ko mang di matapos ang
sandali pero lahat ng bagay ay may katapusan. May masaya at
malungkot. Pero lahat natatapos.
“Pwede ko bang hawakan yung kamay mo bago ka umalis?”
Hindi ko na hinintay na pumayag sya.

Hinawakan ko ang kamay nya.
Hinalikan.
Kasabay ng muling pag agos ng luha, hinila na nya ang kamay at
tuluyang tumayo at lumakad palayo.

Malamig na ang hangin. Ramdam ng mga pisngi kong basa ng luha.
Habang wala kong magawa kundi ihatid sya ng tingin.
Kung san sya papunta, di ko na alam.
Baka sa kaligayahan na di nya natagpuan sa akin.
End
03.31.2014
11.30am

Blog at WordPress.com.

Up ↑